^

Police Metro

De Lima hindi patitinag sa death threat

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi umano patitinag si Justice Secretary Leila De Lima sa natatanggap na banta sa buhay at kanya pa ring ipagpapatuloy ang kanyang trabaho.

Ayon sa kampo ni De Lima, hindi natatakot ang kalihim sa mga banta sa kanyang buhay  dahil naniniwala ito na nasa wastong landas siya at ginagawa lamang nito ang kanyang trabaho.

Hindi naman binanggit kung sa anong paraan ng pagbabanta ang ginamit pero nag-iingat na rin ang kampo ng kalihim dahil seryoso ang mga pagbabanta.

Nabatid na sunud-sunod ang natanggap na pagbabanta sa buhay ni De Lima matapos na lumutang ang umano’y pakikialam nito sa isyu ng Iglesia ni Cristo (INC).

Nabatid na iniim­bestigahan ng DoJ ang reklamong illegal detention ng isang Isaias Samson, isang dating ministro ng INC laban naman sa Sanggunian ng INC.

Noong Huwebes, ini­lunsad ang pagkilos laban kay De Lima sa kanyang tanggapan sa Padre Faura sa Manila at nagtungo din ito sa EDSA Shrine na inaasahang sa Linggo pa magtatapos ang  kanialng pagkilos laban sa kalihim.

Inaalam din ng pulisya kung may kinalaman ang pamamaril sa coffee shop ni ABS-CBN broadcaster Anthony Ta­berna nitong nakaraang Biyernes ng umaga dahil malapit na kamag-anak ito ni Samson. Si Taberna ay miyembro din ng INC.

ACIRC

ANG

ANTHONY TA

AYON

DE LIMA

ISAIAS SAMSON

JUSTICE SECRETARY LEILA DE LIMA

NABATID

NOONG HUWEBES

PADRE FAURA

SI TABERNA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with