^

Police Metro

Online protest vs K-12, sinimulan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sinimulan na rin ang online protest ng grupong Parent’s Movement Againts K-12 (PMAK) ang mariing pagtutol sa pagpapatupad sa K-12 program ng pamahalaan.

Ayon kay Jovita Montes, tagapagsalita ng PMAK, layunin nilang ipamukha sa Pangulong Noynoy Aquino at Department of Education (DepEd) Sec. Armin Luistro ang paghihirap na nararanasan ng mga magulang sa gastusin sa pagpapaaral sa kanilang mga anak ay lalo pang madaragdagan ang pa­sakit na mararanasan sa K-12 program.

“Sa halip na unahin ng gobyerno ang pagpapatupad ng mga makabuluhang serbisyo na may kaugnayan sa basic na pangangailangan ng mga mag-aaral ay dagdag na gastusin ang inaatupag ng DepEd sa pamamagitan na dagdag na dalawang taon sa pag-aaral,” dagdag pa ni Montes

Dapat resolbahin ng gobyerno ang overcrow­ded na classroom, kawalan ng magagamit na libro at upuan at mababang sahod ng mga guro.

 “Our children have long suffered from these problems and the DepEd now wants another two years in such schools,” sabi ni Montes.

Una dito ay lumusob sa tanggapan ng DepEd central office sa Meralco Avenue, Pasig City ang grupo ng PMAK noong Huwebes kung saan isinumite ang may 15,000 lagda ng mga magulang na nagpapahayag ng mariing pagtutol sa ‘full implementation’ ng K-12 sa 2016.

Sinabi pa ni Montes na hindi titigil ang kanilang grupo sa laban sa halip ay lalo pa nilang palalawakin ang kilos-protesta at maging ang iba’t-ibang social media ay gagamitin na sa kanilang krusada.

ACIRC

ANG

ARMIN LUISTRO

AYON

DAPAT

DEPARTMENT OF EDUCATION

JOVITA MONTES

MERALCO AVENUE

MOVEMENT AGAINTS K

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PASIG CITY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with