Pulitiko bawal umepal sa graduation rites
MANILA, Philippines - Nagpaalala ang pamunuan ng Department of Education sa mga pampublikong eskwelahan na huwag mag-iimbita ng pulitiko sa kanilang mga graduation rites.
Ayon kay DepEd Sec. Armin Luistro, dapat gawing politics-free ang graduation rites, solemn, naka-pokus sa mga estudyante at kanilang mga magulang at hindi venue para sa anumang political forum.
Sinabi naman ni Education Undersecretary Tonisito Umali maaari namang dumalo ang mga opisyal ng pamahalaan tulad ng mga alkalde sa graduation rites, ngunit hindi dapat na ‘umepal’ ang mga ito.
Aniya, maaaring magbigay ang mga ito ng inspirational message sa mga magsisipagtapos ngunit nanawagan na hindi dapat na mapulitika ang okasyon.
Una nang itinakda ng DepEd ang graduation rites ngayong taon sa Marso 26 at 27.
Nagpaalala rin si Luistro sa mga school heads na gawing simple at hindi magarbo ang graduation upang hindi na problemahin pa ng mga magulang.
- Latest