^

Police Metro

UNA kinuwestyon ang balak na pagpili kay Garbo bilang PNP chief

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patuloy anya ang “bata-bata system” na ginagawa umano ng makaadministrasyong Liberal Party (LP) sa hanay ng pulisya tulad ni dating PNP Chief Alan Purisima na nagbunga ng trahedya sa Mamasapano.

Ito ang pagkuwestyon at puna ni United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco na itinatatag ng administrasyon at ng LP ang ‘KKK” bilang sukatan para sa pagtatalaga ng mga tao sa matataas na posisyon sa pamahalaan.

“May ‘KKK’ si Pangulo at meron nang ‘RRG’ si Mar Roxas sa PNP--Roxas Robot Ge­nerals! Kung ganyan ang paiiralin natin, sino man ang mapipili ay katulad pa rin ni Purisima na mas matapat sa kanyang padrino kaysa kanyang uniporme at sa Konstitusyon. Ilan pa ang masasawi sa ngalan ng political patronage tulad ng sa Mamasapano?” tanong pa ni Tiangco.

Sinabi ni Tiangco, merong mga ulat na itinutulak ng LP na maitalaga si Police Deputy Director General Marcelo Garbo Jr. bilang Director General ng PNP na umano ay isang hakbang ng pagwawalambahala at kawalang-pakiramdam ng administrasyon sa pagkamatay ng SAF 44. Sa halip na matuto ng leksyon at magtuwid ng kamalian sa pamamagitan ng pagsasapropesyonal sa institusyon, mas pinili nila ang kanilang mga pampulitikang maniobra.

Naging laman ng mga balita si Garbo sa Cebu provincial standoff noong Disyembre 2012 nang tangkain niyang isilbi ang suspension order mula sa Office of the President para kay Cebu Governor Gwen Garcia.

“May mga indikasyon na gagawin ulit ng Liberal Party ang ginawa nito noong bago mag-2013 elections, kung saan naitalaga sa mga mahahalagang posisyon ang mga bata nitong police officials,” sabi rin ni Tiangco.

Si Garbo ang Director ng Central Visayas PNP noon at naitalaga kinalaunan bilang National Capital Region Police Director noong Hulyo 2013. Pagkatapos, nahirang siya bilang hepe ng PNP directorial staff noong December 2013.

CEBU GOVERNOR GWEN GARCIA

CENTRAL VISAYAS

CHIEF ALAN PURISIMA

DIRECTOR GENERAL

LIBERAL PARTY

MAMASAPANO

MAR ROXAS

TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with