Manila Bay Seasports Festival muling sasagwan
MANILA, Philippines - Muling magtatagisan ng lakas ang mga pangunahing atleta ng bansa sa muling pagtatanghal ng Manila Bay Seasports Festival na gaganapin sa Marso 14 at 15.
Ang 2015 Manila Bay Seasports Festival ay isang proyekto ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard at dito ay itatampok ang pinaghalong koponan ng mga lalake’t babae sa Dragon Boat Race, at mga batikang bangkero mula sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan.
Aabot sa mahigit kalahating milyong piso ang nakalaang pa-premyo sa mga karera, kung saan matutunghayan ng mga manonood ang kakaibang bilis at lakas ng mga naturingang atletang dagat. Tig-32 kalahok lamang ang tatanggapin sa stock at formula races ng tinaguriang “bancathon.” Ang mga interesadong sumali ay dapat tumawag agad kay Lida Aquino, sa numerong 0921.723.6658.
- Latest