^

Police Metro

Trike driver tinarakan sa mukha, todas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakabulagta na may tarak ng patalim sa mukha ang isang tricycle driver nang matagpuan  ang bangkay nito sa gilid ng isang gasoline station kahapon ng madaling araw sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Sixto Calastre Jr., 36, ng no. 56 Mauban St., Barrio San Jose, Caloocan City.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Seaoil gasoline station na matatagpuan sa 9513 A. Bonifacio St., kanto ng Scout Alcaraz, Brgy. N.S. Amoranto.

Sa salaysay ng kahero na si Aljon Plaza, nasa loob siya ng teller booth nang may kumatok sa pinto na  humihingi ng tulong.

Pagbukas niya ay bumulaga sa kanya ang duguang biktima at sa takot na madamay ay agad na isinara ang pinto, hanggang sa matumba ang biktima.

Ayon sa mga kawani ng gasolinahan ay  matagal nang umiistambay ang biktima sa kanilang gas station dahil dito niya ipinaparada ang kanyang tricycle kapag matutulog.

vuukle comment

ALJON PLAZA

AMORANTO

AYON

BARRIO SAN JOSE

BONIFACIO ST.

CALOOCAN CITY

MAUBAN ST.

QUEZON CITY

SCOUT ALCARAZ

SIXTO CALASTRE JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with