Operasyon ng Butuan City Water District, sinabotahe
MANILA, Philippines - Nakakaranas ngayon ng water crisis sa lalawigan ng Butuan matapos na isabotahe umano ang operasyon ng Butuan City Water District (BCWD).
Sinabi ni Ramil Barquin, tagapagsalita ng BCWD, natuklasan ng kanilang mga engineer na ang steel cover ng kanilang pipeline sa Taguido River ay nawawala at posibleng sinadyang kunin.
Bukod dito ang kanilang open manhole ay nilagyan din ng buhangin at iba’t ibang debris na sumira sa kanilang infiltration gallery at nagresulta ng pagbara sa kanilang main transmission ng kanilang pipeline.
Ani Barquin, hindi kayang sirain ng malakas na bagyong Seniang na dumaan sa kanilang lugar noong Disyembre ang malalaking tubo at pagkawala ng takip nito o steel cover bagkus sinadyang kunin para isabotahe ng kanilang operasyon at magkaroon ng water shortage mula sa 40 porsiyento ng BCWD water production.
Hinala ng BCWD na ilang top city local official ang posibleng nasa likod ng pagsabotahe ng kanilang operasyon na interesado umanong makuha ang kanilang proyekto kabilang na ang BCWD’s Private Public Partnership (PPP) at P565 milyong Bulk Water Supply and Water Treatment na award at ginagastusan ng Taguibo Aquatech Solution Corporation.
Nais din umano ng ilang local city officials na ibigay ang proyekto sa iba na bigo naman umanong makatugon sa basic requirements na kailangan para sa Public Private Partnership project.
- Latest