^

Police Metro

Mexicano tiklo sa P12.5-M cocaine

Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naaresto ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Force at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Mexican national na miyembro ng Sinaloan drug cartel matapos makuhanan ng 2.5 kilo ng cocaine sa isang ope­rasyon sa Makati City kahapon ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Horacio Hernandez, 40, residente sa isang hotel sa Makati Avenue.

Nabatid na ang suspek  ay sangkot din sa nangyaring operasyon sa Lipa City noong nakaraang taon at dito ay nakakumpiska ang mga otoridad ng 84 kilong shabu.

Sa inisyal na ulat, ganap na alas-2:00 ng hapon ay nagsagawa ng buy bust operation ang mga otoridad sa suspek na sakay ng isang To­yota Vios na  nakaparada sa isang restaurant sa Makati Avenue.

Dito ay nagkunwa­ring bibili ng halagang P100,000 ng cocaine sa suspek ang poseur buyer at nang magkaabutan na ng items ay dito na ito inaresto.

Nasamsam sa suspek ang may 10 transpa­rent na plastic bag na naglalaman ng cocaine na naka­silid sa itim na reusable bag na nagkakahalaga ng P12.5 milyon.

 

DITO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

DRUGS-SPECIAL OPERATION TASK FORCE

HORACIO HERNANDEZ

LIPA CITY

MAKATI AVENUE

MAKATI CITY

NAARESTO

NABATID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with