Purisima tanggap na ang pagkakasuspinde
MANILA, Philippines – Susunod na si PNP Chief Director General Alan Purisima sa ipinataw na 6 buwang ‘preventive suspension’ ng Ombudsman kaugnay ng kontrobersyal na P100 M kontrata sa Werfast Documentary Agency matapos na mag-utos si Pangulong Aquino na sumunod na ito.
Una nang pinalagan ni Purisima ang ‘suspension order’ na ipinasilbi ng Ombudsman sa tanggapan ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa katwirang ang NAPOLCOM ang dapat magsilbi nito.
Umapela din ang mga abogado ni Purisima sa Court of Appeals para magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO).
Inihayag ni Pangulong Aquino na kasalukuyang nasa South Korea na bagaman hindi pa naman napapatunayang guilty si Purisima ay dapat na tumalima ito sa ‘preventive suspension’ ng Ombudsman habang nililitis ang kaso.
Hinggil naman sa patuloy na pananatili ni Purisima sa White House ang official residence ng Chief PNP sa Camp Crame ay hindi naman si Purisima ang magbibigay ng order sa kapulisan kundi ang Officer in Charge na si Deputy Director General Leonardo Espina at wala rin umanong nakikitang problema sa pananatili ni Purisima sa White House dahilan ‘preventive suspension’ lamang ang ipinataw dito.
- Latest