^

Police Metro

AFP Medical Center Chief, sinibak

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tinanggal kahapon sa kanyang puwesto si AFP Medical Center Commander Brig. Gen. Normando Sta.  Ana dahilan sa umano’y anomalya sa pagbili ng P80 milyon halaga ng medical supplies  na hindi dumaan sa lehitimong proseso.

Sinabi ni Lt. Col. Harold Cabunoc, Chief ng AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) na hindi umano dumaan sa normal na proseso ng bidding ang pagbili ng mga gamot at kagamitan  na nagkakahalaga ng P80 M para sa AFP Medical Center sa ilalim ng pamumuno ni Sta. Ana.

Pansamantala namang ipinalit para humalili kay Sta. Ana si Col. Benedicto Jovellanos, Deputy Chief ng AFPMC.

Bukod kay Sta. Ana, iniimbestigahan din ang tatlo pang mga opisyal na tinukoy ni Cabunoc na sina Lieute­nant Colonel Ritchie Capulong, Special Disbursing Officer, Major Neil Bugarin, Chief of Management and Fiscal Office at Colonel Rogelio del Rosario, Acting Assistant Chief of Staff for Logistics.

Nabatid na isang Renato Villafuerte ang nagsampa ng kaso sa Office of the Ombudsman laban sa mga nasabing military officials.

 

ACTING ASSISTANT CHIEF OF STAFF

BENEDICTO JOVELLANOS

CHIEF OF MANAGEMENT AND FISCAL OFFICE

COLONEL RITCHIE CAPULONG

COLONEL ROGELIO

DEPUTY CHIEF

HAROLD CABUNOC

MAJOR NEIL BUGARIN

MEDICAL CENTER

MEDICAL CENTER COMMANDER BRIG

NORMANDO STA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with