^

Police Metro

Sobrang selos…. bebot tinarakan ng live-in, tigok

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bunsod ng matin­ding selos, binurdahan ng saksak ng isang lalaki ang kanyang live in partner sa loob ng kanilang kuwarto sa lungsod Quezon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ang biktima ay nakilalang si Aikie Ramento, 20, service crew ng isang fast food chain na nasawi dahil sa mga tama ng saksak sa kanyang katawan habang ang suspek naman na si Edmar Tangonan, 22 ay ginagamot  sa Labor Hospital dahil sa tama rin ng saksak.

Sa imbestigasyon, nangyari ang insidente sa tinutuluyan ng dalawa sa No. 52 Camp Bridge St., Brgy. E. Rodriguez,  Cubao, ganap na alas-2 ng madaling araw, kung saan narinig na lang ng nanay ng biktima na si Aling Marilyn  ang malakas na sigaw ng paghingi ng tulong  nito.

Dito ay nakita ni Aling Marilyn na pinagsasaksak ng suspek ang biktima, tinangka pa umanong tumakbo ng biktima palayo sa suspek ngunit bumagsak na ang katawan nito pagsapit sa pintuan.

Sabi ng pulisya, selos ang ugat ng pananaksak ng suspek sa biktima dahil nagdududa umano ang una na may kinalolokohang ibang lalaki ang huli. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa nasabing insidente.

vuukle comment

AIKIE RAMENTO

ALING MARILYN

BRGY

BUNSOD

CAMP BRIDGE ST.

CUBAO

DITO

EDMAR TANGONAN

LABOR HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with