^

Police Metro

Turistang Hapon hinulidap sa Maynila

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 41-anyos na Japanese national ang na-hulidap at natangayan ng P120,000 halaga ng pera, cellphone, laptop, camera at iba pang kagamitan  sa Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa reklamong idinulog sa Manila Police District-General Assignment Section, inilahad ng biktimang si Handa Makasaki, ng Kyoto, Japan, nanunuluyan sa Tune Hotel, na matatagpuan sa Mabini st., Ermita, dakong alas-4:00 ng hapon nitong Sabado nang sumilong siya sa waiting shed  na malapit sa nasabing hotel nang lapitan ng nakaunipormeng pulis.

Pinagsabihan umano siya na bawal ang tumambay doon at hinanapan siya ng passport at pinapunta sa nakaparadang sasakyan.

 Nang papasukin umano sa isang Revo (may kumbinasyong itim at puti) ay may tatlong lalaki na sakay at kinuha ang kanyang mga kagamitan at wallet, saka siya inutusang bumaba habang nakatutok umano ang baril.

 

ERMITA

HANDA MAKASAKI

ISANG

MABINI

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MAYNILA

NANG

PINAGSABIHAN

REVO

SABADO

TUNE HOTEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with