^

Police Metro

Obrero nahulog sa gusali, todas

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ilang oras na nakipagbuno sa kamatayan ang isang 58-anyos na obrero matapos na mahulog mula sa 20 talampakang taas ng gusali habang pinuputol ang sanga ng mangga na nabuwal ng bagyong Glenda kamakalawa sa Malate, Maynila.

Ang nasawi ay kinilalang si Ruben Beraquit, 58, ng Block 31, Lot  38, Phase 3, Southville I, Marinig, Cabuyao, Laguna.

Batay sa ulat, bandang alas-9:30 ng umaga  nang umakyat ang biktima at ilang kasamahang obrero sa rooftop ng United Methodist Mission House na matatagpuan sa no. 1846 J. Bocobo St. Malate para putulin ang mga nasirang sanga ng puno ng mangga.

Habang nakatapak ang isang paa ng biktima sa bubong habang at ang isa ay sanga nang  mawalan ng balanse at nahulog.

Una ang ulo ng biktima na bumagsak sa sementadong kalsada.

Dinala ang biktima sa Ospital Ng Maynila para malapatan ng lunas sa tinamong malaking sugat sa ulo hanggang sa kaliwang tenga.

 

BATAY

BOCOBO ST. MALATE

CABUYAO

DINALA

GLENDA

HABANG

OSPITAL NG MAYNILA

RUBEN BERAQUIT

SOUTHVILLE I

UNITED METHODIST MISSION HOUSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with