^

Police Metro

Paggamit ng mobile phones habang nagmamaneho bawal na sa Valenzuela

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang ordinansa na inisponsoran ni Valenzuela City 1st District Councilor Rovin Feliciano na nagbabawal sa lungsod nang paggamit ng mobile phones habang nagmamaneho matapos na lagdaan sa Sangguniang Panglungsod.

Ayon kay Feliciano, lumalabas sa mga isinagawang pag-aaral na isa sa dahilan ng mga nagaganap na aksidente sa kalsada ay dahil na rin sa paggamit ng mobile phones ng mga drivers habang nagmamaneho.

Nawawala anya, ang konsentrasyon ng mga drivers sa tuwing gagamitin ng mga ito ang kanilang mobile phones alinman sa pagtawag o pagpapadala ng mensahe na nagreresulta sa pagkakaroon ng aksidente.

Base sa ordinance no. 139 series of 2014 o tatawagin ding cellphone ordinance, ang sinumang mahuhuling lalabag dito ay papatawan ng mga sumusunod na parusa: 1st offense-warning; 2nd offense-multang P300; 3rd offense o higit pa-multang P500.

Inaatasan din sa natu­rang ordinansa ang Task Force Disiplina, Traffic Management Office at ang Valenzuela PNP Traffic Division na siyang magpapatupad at huhuli sa mga lalabag na driver sa “cellphone ordinance”.

Mapupunta sa Valenzuela City Out-of-school Youth Programs ang lahat ng multang makokolekta ng pamahalaang lungsod nang sa gayon ay higit pang maisulong ang mga programa sa mga kabataang nahinto sa pag-aaral.

Hindi saklaw ng cellphone ordinance ang mga law enforcer habang tumutupad sa kanilang tungkulin, drivers ng ambulansiya at rescue vehicles na naka-duty; Comelec (Commission on Election) election officers kapag araw ng halalan at mga taong rumeresponde sa oras ng kagipitan at nagbibigay ng serbisyo publiko tulad ng mga TV at radio news reporters.

DISTRICT COUNCILOR ROVIN FELICIANO

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

TASK FORCE DISIPLINA

TRAFFIC DIVISION

TRAFFIC MANAGEMENT OFFICE

VALENZUELA CITY

VALENZUELA CITY OUT

YOUTH PROGRAMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with