^

Police Metro

Kontra-SONA ikakasa ng minorya sa Senado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi hadlang sa mga minorya ng Senado na magsagawa ng kontra-SONA kahit pa nakakulong na dahil sa kasong plunder ang lider nila na  si Se­nate Minority Leader Juan Ponce Enrile.

Ayon kay Senator Joseph Victor “JV” Ejercito na dumalaw kamakalawa kay Enrile, pinayuhan siya ng senador na dapat silang magsagawa ng kontra SONA (State of the Nation Address) dahil bahagi na rin ito ng tradisyon ng Kongreso.

Subalit, kokonsultahin pa rin umano ni Ejerctio si Senator Vicente “Tito” Sotto dahil ito ngayon ang pinaka-senior na miyembro ng minorya at ito rin ang tumatayong assistant Minority Leader.

Sinabi pa ni Ejercito na pinaghahanda na niya ang kanyang staff at pinagsasagawa ng research tungkol sa posibleng maging laman ng kanilang kontra-SONA.

 Handa umano si  Ejercito na mag-deliver ng  kontra-SONA kung siya  ang aatasan ni Sotto.

Dahil nakakulong na sina Enrile at Senator Jinggoy Estrada, ang natitira na lamang sa opo­sisyon bukod kay Ejercito ay sina Senators Vicente “Tito” Sotto III, Gregorio Honasan, at Nancy Binay.

 

EJERCITO

ENRILE

GREGORIO HONASAN

MINORITY LEADER

MINORITY LEADER JUAN PONCE ENRILE

NANCY BINAY

SENATOR JINGGOY ESTRADA

SENATOR JOSEPH VICTOR

SENATOR VICENTE

SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with