^

Police Metro

Ginahasa, pinatay ng ka-deal... Dalaga nagbenta ng gadget sa FB, natagpuan sa punerarya

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa isang pune­rarya sa Caloocan City natagpuan ang bangkay ng isang 19-anyos na dalaga na halos dalawang buwan na nawala matapos itong magpaalam sa pamil­ya na makikipagkita sa bibili ng inaalok nitong gadget na kanyang ipinoste sa Facebook.

Ang biktima ay kinila­lang si Angel Timbal, 19,  ng Coloong, Valenzuela City.

Sa salaysay sa pulisya ng ina ng biktima na si Maribel, noong nakalipas na Mayo ay nagpaalam ang kanyang anak na pupuntahan ang bibili ng mga gadget na inaalok niya sa Facebook.

Subalit, simula noon ay hindi na nakabalik ang dalaga kaya’t hinanap ito ng halos dalawang buwan.

Nagwakas na rin ang paghahanap ng pamilya sa nawawalang dalaga nang makatanggap ito ng impormasyon kamakalawa (Hulyo 9) na ang bangkay nito ay nasa Jade Funeral Homes sa Caloocan City.

Sa imbestigasyon ng Caloocan City Police, natagpuan  ang bangkay ng biktima sa madamong bahagi ng Barangay 171 sa Caloocan City noong nakalipas na Mayo 18, 2014.

Hinihinala na ginahasa ang biktima bago ito pinatay sa sakal ng hindi pa nakikilalang suspek dahil nakita sa bulsa nito ang itim na bikini na suot nito.

Nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya kung sino ang naka-chat at ka-text ng biktima matapos silang mag-deal sa inaalok nitong gadget.

vuukle comment

ANGEL TIMBAL

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

COLOONG

FACEBOOK

HINIHINALA

HULYO

JADE FUNERAL HOMES

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with