^

Police Metro

Abad kakasuhan ng malversation... impeachment ikakasa vs P-Noy

Pang-masa

MANILA, Philippines - Nakatakdang ikasa ng Kabataan Partylist ang  impeachment complaint laban kay Pangulong Noynoy Aquino matapos ideklara ng Korte Suprema na labag sa batas ang Disbursement Acceleration Program (DAP).

Ayon kay Kabataan partylist Rep.  Terry Ridon, bukod sa impeachment kay Pangulong Aquino ay ikinakasa na rin nila ang kasong malversation laban naman kay Budget Secretary Florencio “Butch” Abad.

Tiwala si Ridon na ang desisyon ng Korte Suprema na unconstitutional ang DAP ay solido ng basehan para gamiting ground sa impeachment ang culpable violation of the constitution at betrayal of public trust.

Sa ulat ni  SC Spokesperson Atty. Theodore Te na sa botong 13-0-1 o unanimous ang pumabor nang ideklarang labag sa Saligang Batas ang ilang mga ginawang hakbang ng gobyerno na may kinalaman sa DAP, National Budget Circular No. 541 at mga kahalintulad na issuances.
  Sa ginanap na botohan ng mga mahistrado, kabilang sa mga idinedeklarang unconstituonal ay kung hindi lehitimo ang savings na pinanggalingang pondo; cross-border transfer ng sa­vings o ang pondo ay nai­lipat patungo sa ibang sa­ngay ng pamahalaan at  mga proyekto at prog­rama na hindi sakop ng  General Appropriations Act

?Idineklara ring ‘void’ ng korte ang paggamit ng unprogrammed funds kahit wala pang certification mula sa National Treasurer at nilabag umano nito ang Section 25 ng Article 6 at doctrine of separation of powers.

Naging sentro ng kontrobersya ang DAP nang ibunyag ni Sen.  Jinggoy Estrada sa kaniyang privilege speech na tumanggap ang mga mambabatas ng P50 milyon matapos ang impeachment ni dating Chief Justice Renato Corona.??

Depensa ni Abad, walang kinalaman ang DAP sa pagkakaalis sa pwesto ni Corona sa pamamagitan ng impeachment trial. Paniwala ng mga naghain ng pagkontra, nilabag ng DAP ang eksklusibong kapangyarihan ng Kongreso sa paglalaan ng pondo.??

Nagpahayag naman ng kahandaan si Bayan Muna Rep. Neri Colmenares na handa silang mag-endorso kapag may maghahain ng impeachment complaint laban kay P-Noy. (Gemma Garcia, Doris Franche-Borja)

ABAD

BAYAN MUNA REP

BUDGET CIRCULAR

BUDGET SECRETARY FLORENCIO

CHIEF JUSTICE RENATO CORONA

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

DORIS FRANCHE-BORJA

KORTE SUPREMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with