^

Police Metro

Solon sa MMDA: Master plan sa flood control ilabas

Gemma Amargo-Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nais ni Buhay Partylist Rep. Joselito Atienza na ilabas ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang master plan upang matugunan ang pagbaha at matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila lalo na ngayon panahon ng tag-ulan.

Ayon kay Atienza, na miyembro ng House Committee on Metro Manila Development, parang lumalabas na walang master plan ang MMDA para matugunan ang mabilis na pagbaha, pagsisikip ng daloy ng trapiko at pagkalat ng mga basura sa kalsada.

Inihalimbawa pa ng kongresista ang daan-daang commuters na naistranded sa gitna ng masikip na daloy ng trapiko matapos na umulan ng malakas noong nakaraang linggo.

Paliwanag ni Atienza,  pangunahing gawain ng MMDA ay pagpaplano habang ang policy direction at pagpapatupad nito ay sa Local Government Units (LGUs) samantalang ang mga may kinalaman sa traffic, pagbaha at peace and order ay pinag-uusapan at pinagbobotohan ng Metro Manila Council na binubuo ng 17 Alkalde ng Metropolis.

 

 

ALKALDE

ATIENZA

BUHAY PARTYLIST REP

HOUSE COMMITTEE

JOSELITO ATIENZA

LOCAL GOVERNMENT UNITS

METRO MANILA

METRO MANILA COUNCIL

METRO MANILA DEVELOPMENT

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with