^

Police Metro

8 NBI agent inireklamo ng 13 katao

Pang-masa

MANILA, Philippines - Walong miyembro ng National Bureau of Investigation (NBI) ang inaresto matapos na ireklamo ng 13 katao naganap kamakailan sa Lasam, Cagayan.

Ang walong NBI agent na inaresto ay kinilalang sina Levi Omar M. Orille; Joseph Eufemio F. Martinez; Jose Rommel Ramirez; Nelson Moreno; Ferdinand Manuel; Edgardo Kawada; Allan Elefante at Michelle Fernandez, pawang nakatalaga sa NBI na nakabase sa Maynila na sinampahan ng kasong kidnapping, robbery at paglabag sa domicile, unlawful arrest at grave coercion.

Base sa ulat ni Police Chief Inspector Gasmen Felix, hepe ng Lasam, Cagayan Police Station, noong Mayo 29 ng taong kasalukuyan, alas-10:00 ng umaga sa Barangay Callao Norte nang ares­tuhin ang walong NBI agent matapos silang ireklamo ng 13 katao sa pangunguna ng mag-amang sina Lasam Councilor John Isaac Agatep III  at John Isaac Agatep Jr.

Nagkaroon umano ng paglabag ang walong NBI agent matapos wala  umanong koordinasyon sa local na pulisya at dukutin umano nila si Agatep Jr., at i-harass ang grupo nito.

Ilang oras ding nakulong sa himpilan ng pulisya ang walong NBI, subalit pinalaya rin matapos ibasura ng piskalya ng Lasam, Cagayan ang mga kasong isinampa sa kanila.

AGATEP JR.

ALLAN ELEFANTE

BARANGAY CALLAO NORTE

CAGAYAN POLICE STATION

EDGARDO KAWADA

FERDINAND MANUEL

JOHN ISAAC AGATEP JR.

JOSE ROMMEL RAMIREZ

JOSEPH EUFEMIO F

LASAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with