Hindi nakalabas sa silid... 8 kawani tigok sa sunog
MANILA, Philippines - Namatay sa suffocation ang walong kababaihan na manggagawa nang malangÂhap ang usok mula sa nasusunog na tinutuluyang bahay at bodega ng DVD kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Haide Ib-Ib, 24, dalaga; kapatid nitong si Lorena; Maricris Calumba; Renelyn De Baguio; Angelyn Quillano, pawang nasa 21-anyos; Floralyn Balucos, 20, dalaga; Shellalyn Habagat at Jelsa Saburiga, kapwa 19-anyos, pawang taga Tayasan, Negros Occidental.
Nasugatan at nilalapatan naman ng lunas sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang mga nasugatang sina Cherylyn Calum; Janice Baja at Irene Acuna.
Sa ulat ng Pasay City Fire Department, dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang sumiklab ang apoy sa ikalawang palapag at bodega ng DVD na matatagpuan sa #317 P. Samonte St., Zone 6, Barangay 47 na pag-aari ni Juanito Go.
Sa salaysay ng walong nakaligtas at kasamahan ng mga nasawi at nasugatan na sina Michelle Callao; Almira Zuniga; Calum; Baja; Dally Delos Ninos; Acuna at Nikki Torres na pawang stay-in workers sa nasabing bahay na ikinagising nila nang makalanghap sila ng usok at nadiskubre na nasusunog na ang buong kabahayan at ang bodega na kanilang pinagtratrabahuan.
Umakyat ang walo sa bubong para iligtas ang kani-kanilang sarili, suÂbalit na-trap ang walong biktima dahil ang pintuan sa unang palapag ay naka-padlock kung kaya’t hindi nagawang iligtas ng mga ito ang kanilang mga sarili hanggang sila ay ma-suffocate na dahilan ng kanilang kamatayan.
Halos tumagal ng dalawang oras bago idineklarang under control ang sunog.
Patuloy ang imbestigasyon kung ano ang pinagmulan ng sunog.
Ayon sa mga nakaligtas na tatlong araw sa isang taon sila nakakapag-day off at ang may-ari na si Go, 68-anyos ay may nakasampang reklamo sa barangay dahil wala itong business permit sa kanyang neÂgosyo na DVD.
- Latest