Truck driver tigok sa heat stroke
MANILA, Philippines - Tigok sa heat stroke ang isang 41-anyos na truck driver, ilang oras matapos magdiskarga ng cargo, sa North Harbor, Tondo, Maynila, kahapon ng umaga.
Ang biktima ay nakilalang si Catalino Javier, ng Correa Trucking, ng Calipahan, Talavera, Nueva Ecija.
Sa ulat ni SPO1 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-5:45 ng umaga nang matuklasan ng pahinante at kasamahan sa trabaho na si George Bernardo na hindi na ito gumagalaw sa loob ng nakaparadang truck.
Ayon sa imbestigasyon, inirereklamo na umano ng biktima kay Bernardo na masama ang kaniyang pakiramdam dahil sa sobrang init ng panahon. Niyaya pa umano ang biktima na lumabas muna upang mag-inuman ay hindi sumama, bandang alas-12:00 ng madaling araw.
Dahil naiwang nag-iisa sa Truck Holding Area sa MICT ay nagpahinga umano sa loob ng truck at nang gisingin na siya ng mga kasamahan ay hindi na kumikilos at ipinaalam ito sa kaniyang pahinante.
- Latest