^

Police Metro

Gov.Ejercito pinalalayas sa puwesto ng Comelec

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Matapos na mapatunayang nagkasala sa kaso ng sobrang paggastos o overspending sa May 2013 elections ay pinabababa na ng  Commission on Election (Comelec)  sa puwesto si Laguna Governor ER Ejercito.

Ayon kay Comelec Chairman Sixto Brillantes iisa ang naging desisyon ng  pitong Commissioner sa ginawang en banc  kung saan  nagkaisa sa hatol  na guilty kay Gov. Ejercito.

Nagpasya rin ang mga commissioner na paupuin si Laguna  Vice Governor Ramil Hernandez sa  puwesto ni Ejercito.

Nabatid na nakakuha ng mga dokumento ang Comelec mula sa Laguna Provincial Election Office, na gumastos si  Ejercito ng P23.5 milyon  sa halalan noong Mayo 2013.

Batay sa rule, pinapayagan ng Comelec ang isang kandidato na gumastos ng tatlong piso kada botante gayung nasa 1,440,660 ang bilang ng mga botante sa Laguna noong 2010 batay sa Philippine Statistics Authority.

May limang araw upang humingi ng TRO sa Korte Suprema si Ejercito para maharang ang kautusan ng Comelec.

AYON

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

EJERCITO

KORTE SUPREMA

LAGUNA GOVERNOR

LAGUNA PROVINCIAL ELECTION OFFICE

PHILIPPINE STATISTICS AUTHORITY

VICE GOVERNOR RAMIL HERNANDEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with