^

Police Metro

3 rebelde dedo sa pag-atake

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasilat ng mga otoridad ang pag-atake ng may 100 New People’s Army (NPA) rebels sa isang police station nang manlaban ang mga ito at napatay ang tatlong rebelde na kinabibilangan ng isang kumander naganap  kahapon ng madaling-araw sa Pres. Roxas Municipal Police Station, North Cotabato.

Sa ulat, pasado alas-3:30 ng madaling-araw nang umatake ang may 100  rebelde na lulan ng isang truck (RLY-371) sa nasabing  himpilan ng pulisya.

Subalit, nakahanda sina Inspector Bernabe Rubio, hepe ng President Roxas MPS na mabilis na nagmaniobra at  pinangunahan ang pagsagupa kasama ang may 20 pulis laban sa mga umaatakeng grupo ng mga rebelde.

Nagkaroon ng  palitan ng putok ang magkabilang panig at nasawi ang tatlong rebelde na ang isa rito ay kinilalang si kumander Revo at isa ang nadakip.

Nakaradyo naman kaagad sina Rubio sa tropa ng Army’s 57th Infantry Battalion (IB) na mabilis na nagresponde at tumulong sa pagtataboy ng mga umaatakeng rebelde.

Bago ang pag-atake ay nakatanggap ng intelligence report ang North Cotabato Police na may sasalaka­ying himpilan ng pulisya ang NPA rebels sa lalawigan na bagaman hindi nasabi kung alin ay umalerto ang Pres. Roxas Municipal Police Station.

INFANTRY BATTALION

INSPECTOR BERNABE RUBIO

NAGKAROON

NAKARADYO

NEW PEOPLE

NORTH COTABATO

NORTH COTABATO POLICE

PRESIDENT ROXAS

ROXAS MUNICIPAL POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with