^

Police Metro

Pamilya, 3 inatado habang tulog

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Walang kalaban-laban na pinagtataga ng kanilang kapitbahay ang tatlong miyembro ng isang pamilya habang mahimbing na natutulog sa kanilang bahay naganap kahapon ng madaling-araw sa Tanay, Rizal.

Nasawi noon din ang mag-asawang Fedelino Valencia, 50, at Babylyn Valencia, 42, ng Sitio Rawang, Brgy. Tandang Kutyo, habang malubhang nasugatan ang anak nilang si Jayme Valencia, 12.

Agad nadakip ang suspek na si Henry Barcelona Jr., 21, kapitbahay ng mga biktima.

Batay sa ulat, dakong alas-2:00 ng madaling-araw ay mahimbing na natutulog ang pamilya sa kanilang bahay sa nasabing lugar nang pasukin ng suspek at walang kaabog-abog na pinagtataga.

Hindi pa batid ng pulisya kung ano ang galit ng suspek sa pamilya kaya’t nagawa nito ang krimen.

vuukle comment

BABYLYN VALENCIA

BATAY

BRGY

FEDELINO VALENCIA

HENRY BARCELONA JR.

JAYME VALENCIA

NASAWI

RIZAL

SITIO RAWANG

TANDANG KUTYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with