^

Police Metro

2 kelot arestado sa paghahagis ng granada

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang dinakip ng pulisya dahil sa umano’y paghahagis ng granada sa himpilan ng pulisya sa Maynila, kamakalawa ng hapon, sa Tondo, Maynila.

Sa isinagawang follow-up operation nadakip ang mga suspects  na kinilalang sina Alfredo Roy Elgarico, alyas “Pikit”, 21, walang trabaho at residente ng no. 2280 Malaya st., Balut, Tondo at nahulihan umano ng kalibre .45 baril at 6 na pirasong plastic sachet ng shabu at si Jay-Ar Castolome,  31, na nahulihan din ng kalibre.38 baril at 12 pirasong plastic sachet na hinihinalang shabu.

Batay sa impormasyon ng Manila Police District (MPD), ang dalawang suspects ang posibleng naghagis ng granada sa harapan ng MPD-station (Raxabago) dakong alas-3:45 ng hapon nitong Huwebes, kung saan nasunog ang sasakyan ng station commander na si P/Supt.  Julius Anonuevo, na Toyota Vios (ZFN-447), kulay gray at nadamay din  ang  isang nakaparadang motorsiklo, sa tapat ng mismong himpilan.

 Isinasailalim pa sa masusing beripikasyon ang dalawa hinggil sa mga iligal na aktibidades nito dahil sa nakalap din ng mga awtoridad na impormasyon na kasamahan ng mga ito ang isang kilalang tulak umano ng iligal na droga na si alyas “Brix” na nakapiit pa sa New Bilibid Prison (NBP).

Isang kulay pink na motorsiklo rin ang pinigil ng MPD na sinasabing ginamit na get-away vehicle ng dalawa matapos ang paghahagis ng granada.

ALFREDO ROY ELGARICO

BATAY

BRIX

DALAWANG

JAY-AR CASTOLOME

JULIUS ANONUEVO

MANILA POLICE DISTRICT

MAYNILA

NEW BILIBID PRISON

TOYOTA VIOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with