Nagsungit: Mister tigok sa suntok
MANILA, Philippines - Tigok ang isang 56 na taong gulang na mister makaraang suntukin ng isang kargador na kanyang pinagsungitan sa Pier 18, Vitas, North Harbor, Tondo, Maynila kamakalawa ng gabi.
Nasawi habang ginagamot sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Gonzalo Laparan, checker ng Vitas Port Arrastre Corporation.
Arestado naman sa mga tauhan ng Manila Police District-Homicide Section ang suspek na si Raymund Dela Rosa, 30, kargador at residente ng #274 Simeon de Jesus, San Rafael Village, Navotas.
Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista, nabatid na dakong alas 7:46 kamakalawa ng gabi, nang maganap ang insidente sa loob ng Pier 18.
Nag-ugat umano ang panununtok ng suspek sa biktima nang magtanong ito kung saan kukunin ang mga bubuhating produkto na ikakarga sa kanilang truck.
Sa halip na ituro ng biktima ay masungit umanong sumagot na “ang tagal-tagal mo na dito hindi mo pa alam kung saanâ€.
Nangatwiran umano ang suspek at sinabing “first time ko lang dito kaya hindi ko pa alamâ€.
Pero hindi parin sumagot ang biktima bagkus ay tinalikuran niya ang suspek kaya sinundan siya nito at binigwasan ng malakas na suntok na ikinabagsak ng biktima sa sementadong kalsada.
Patihaya umanong bumagsak ang biktima kaya nabagok ang ulo at mabilis na isinugod sa pagamutan pero nalagutan din ng hininga habang ito ay ginagamot dahil sa namuong dugo.
- Latest