^

Police Metro

Kaanak ni Napoles tinodas sa kotse

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Niratrat habang lulan ng kanyang kotse ang isang negosyante ng anim na kalalakihan na sakay ng isang van kamakalawa ng gabi sa Parañaque City.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Parañaque Doctors Hospital dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan ay kinilalang si  Justo Jenie Lim, 47, ng #1 Grand Villa Drive, Levy Town Village, Barangay Don Bosco ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7:00 ng gabi ay minamaneho ng biktima ang kanyang kulay puting Mercedez Benz na may conduction sticker ZX-5633 kasama ang live-in nito na si Medith Nepomuceno sa kahabaan ng Saudi Arabia St., Barangay Don Bosco.

Bigla na lamang hinarang ang sasakyan ng biktima isang kulay pu­ting Kia van na walang plaka at dito ay lumabas ang anim na kalalakihan na pawang armado ng baril dahilan upang lumabas ng sasakyan at tumakbo  si Nepomuceno dahil sa takot.

Pinasok ng mga suspek ang biktima sa kanyang kotse, subalit pumalag umano ito kung kaya’t pinagbabaril ito.

Mabilis na nagsitakas ang mga suspek habang ang  biktima ay dinala sa naturang pagamutan, ngunit hindi na umabot ng buhay.

vuukle comment

BARANGAY DON BOSCO

BIGLA

DOCTORS HOSPITAL

JUSTO JENIE LIM

LEVY TOWN VILLAGE

MEDITH NEPOMUCENO

MERCEDEZ BENZ

SAUDI ARABIA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with