^

Police Metro

Sama ng loob ni Lacson kina GMA at FG, inilabas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inilabas na ni dating Senador at rehab czar  Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang sama ng loob laban sa mag-asawang sina dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo at dating First Gentleman Jose Miguel “Mike” Arroyo.

Sa talumpati ni Lacson sa kanyang pagdalo sa ika-116 Philippine Military Academy (PMA) Alumni Homecoming  kahapon ay nagpasaring ito na kailanman ay hindi na niya malilimutan ang ginawang pagyurak sa kaniyang pagkatao ng mag-asawang Arroyo sa mahabang  panahon ng rehimen ng dating punong ehekutibo.

“Ginawa nila akong murderer, kidnapper, drug lord at money launderer, I will not forget it,” ani Ping sa panayam ng mediamen matapos ang talumpati nito bilang panauhing pandangal sa Alumni Homeco­ming ng mga PMA Cavaliers  matapos na hingan ng karagdagang detalye sa kinimkim na sama ng loob.

Sinabi ni Lacson, kahit hindi na humingi pa ng tawad sa kaniya ang mag-asawang Arroyo ay  napatawad na niya ang mga ito pero nakatanim pa rin umano sa kanyang isipan ang paninira sa kanyang dangal at integridad.

Maliban kay Lacson, dumalo rin si Department of Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na adopted son ng PMA Class 1984.

Sa taong ito ay nagsilbi namang host class ang PMA Class 54 na magdiriwang ng Diamond anniversary, samantalang ang Jubilarian PMA Class 1964 ay magdiriwang naman ng Golden anniversary at ang Silver anniversary naman ng Jubilarian Class of PMA Class1989.

ALUMNI HOMECO

ALUMNI HOMECOMING

FIRST GENTLEMAN JOSE MIGUEL

GINAWA

JUBILARIAN CLASS

LACSON

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL ARROYO

PHILIPPINE MILITARY ACADEMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with