^

Police Metro

Santa run para sa Yolanda victims, tagumpay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging matagum­pay ang kauna-unahang Santa Fun Run sa Pasay City na nakapagpadala ng mala­king halaga ng relief goods, laruan at damit sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas.

Sinabi ni Mayor Antonino Calixto na ang naturang fun run na tinaguriang “Santa Run Philip­pines: Be a Santa for the Orphans of Yolanda” ay kauna-unahan na sa halip na pera ang registration fee ay tinatanggap ang anumang uri ng relief goods, damit, at laruan para sa mga batang biktima ng bagyo sa Samar at Leyte.

Umabot sa 4,500 runners na nakasuot ng Santa Hat ang nakiisa sa fun run na ginanap noong Disyembre 14 sa Cuneta Astrodome grounds at Roxas Blvd., Pasay City na bahagi ng ika-150 founding anniversary ng lungsod ng Pasay.

Tumakbo ang mga ito sa 10K, 5K, 3K, 1K events, at Santa sprint para sa mga bata.

Pinasalamatan ng alkalde ang mga tumulong sa fun run sa pangunguna ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at iba pa na kung saan ay naipadala na sa Tacloban ang mga  naipong relief goods at donasyon buhat sa Santa Run.

 

CUNETA ASTRODOME

EASTERN VISAYAS

MAYOR ANTONINO CALIXTO

ORPHANS OF YOLANDA

PASAY CITY

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

ROXAS BLVD

SANTA FUN RUN

SANTA HAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with