Misis, lover na pulis kinasuhan ng pagpatay sa mister na brodkaster
MANILA, Philippines - Kasong murder ang isinampa laban sa misis ng brodkaster na pinaslang kamakailan sa Tandag City, Surigao del Sur.
Magugunita na noong Disyembre 6 ay pinagbabaril ang biktimang si Michael Milo, 37, natioÂnal supervisor ng Prime Radio FM, ng tatlong riding in tandem.
Sinampahan ng Surigao del Sur police ng murder ang misis ni Milo na si April, PO1 Hildo Patrimonio, at isang Bernie Ann Fernandez.
Lumalabas sa imbestigasyon, na bago nasawi si Milo ay sinabi nito sa kanyang amo na ang kanyang misis na si April ay karelasyon ang pulis na si PO1 Patrimonio at nakakatanggap ito ng mga death threats.
Isinantabi pulisya na ang pagpatay kay Milo ay may kaugnayan sa trabaho nito bilang mediaman dahil ang radio station ay hindi sangkot sa mga pagbanat at komentaryo kundi nagpo-promote ito ng mga natural healing products.
Si Milo ay kabilang sa tatlong journalist na pinatay nitong nakalipas na linggo sa Mindanao, una ay si Jash Dignos, 48, Valencia City, Bukidnon, brodkaster sa DXGT Radyo na pinagbabaril noong Nobyembre 29; at Rogelio “Tata “Butalid, 44, ng DXFM Radyo Natin ay pinagbabaril naman sa Tagum City, Davao del Norte kamakalawa.
- Latest