^

Police Metro

Nanita ng ‘jumper’ sa kuryente Brgy. Chairman itinumba

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Itinumba ang isang barangay chairman ng kanyang kapitbahay makaraang sitahin ng biktima ang suspek dahil sa ‘jumper’ o pagnanakaw ng kuryente sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Chinese General Hospital  (CGH) dahil sa tatlong balang bumaon sa ulo at katawan ng biktimang si Armando Ramos, 57, Punong Barangay ng Brgy. 209,  Zone 19 at residente ng #2637 Severino Reyes St., Tondo, Maynila.

Ang suspek na mabilis na tumakas matapos ang krimen ay kinilalang si Eduardo Manansala, alyas “Eddie Pusa at Eddie Bulag”, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat ni SPO1 Jonathan Moreno ng Manila Police District-Homicide Section, nabatid na dakong alas-7:46 ng gabi nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ng biktima.

Ayon sa report, sinita ng biktima ang suspek dahil sa pagnanakaw nito ng kuryente (jumper).

Nagalit umano ang suspek kaya kinuha nito ang kanyang baril at sunod-sunod na pinaputukan ang biktima.

Nabatid din sa imbestigasyon na dati na ring may alitan ang dalawa at muli lamang uminit nang sitahin ng biktima ang suspek.

ARMANDO RAMOS

CHINESE GENERAL HOSPITAL

EDDIE BULAG

EDDIE PUSA

EDUARDO MANANSALA

JONATHAN MORENO

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

PUNONG BARANGAY

SEVERINO REYES ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with