^

Police Metro

Bus na nasangkot sa aksidente sa Quezon, sinuspinde ng 30-days

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinatawan ng 30-days Preventive Suspension Order ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ang Super Line bus na nasangkot sa madugong vehicular accident na ikinasawi ng  21 katao.  

 Ayon kay Jera Sison spokesperson ng LTFRB, magpapalabas ng Preventive Suspension Order ngayong araw ang tanggapan ni LTFRB chairman Atty.Winston Gines laban sa Super Line bus na nasangkot sa naturang aksidente.

 Sa isang text message sinabi ni Sison na inaantay pa nila ang police report mula sa Quezon PNP para sa kanilang isasagawang imbestigasyon hinggil sa naturang trahedya.

 Ayon pa kay Sison batay sa kanilang nakuhang impormasyon mula sa Regional  IV Director Atty. Bob Peig  sinuyod ng Super Line bus  ang walong sasakyan sa Atimonan, Quezon na ikinasawi ng 21 na pasahero.

Nabatid sa ulat na halos nagkalat sa lansangan ang mga gamit ng mga pasahero at bangkay ng mga biktima sa naganap na madugong aksidente.

Sinabi sa ulat na tinatahak ng Super Line bus ang hiway ng Atimonan, Quezon sa Brgy. Sta Catalina nang maganap ang aksidente dakong 1:30 ng madaling araw noong Sabado.

Kaugnay nito nanawagan naman ang Public Commuter Motorist Alliance (PCMA) sa Department of Transportation and Communication, Land Transportation Franchising and Regulatory Board at Land Transportation Office na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa naturang madugong vehicular accident na kumitil ng maraming buhay.

ATIMONAN

AYON

BOB PEIG

DEPARTMENT OF TRANSPORTATION AND COMMUNICATION

DIRECTOR ATTY

JERA SISON

PREVENTIVE SUSPENSION ORDER

QUEZON

SUPER LINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with