Pagkakaisa ng Pinas at US pinaigting
MANILA, Philippines -Patuloy na umuusad ang negosasyon para sa pagbuo ng tinatawag na “Framework Agreement between the Philippines and the United States of America on Enhanced Defense Cooperation and Rotational Presence.â€
Ito ang pagtitiyak ni PhiÂlippine panel member Foreign Affairs Assistant Secretary Carlos Sorreta matapos ang fourth round ng pag-uusap na ginanap sa EDSA Lounge ng Department of National Defense (DND) noong nakaraang HuÂwebes.
Pinangunahan ni DND Undersecretary Pio Lorenzo Batino ang Philippine panel sa nasabing pag-uusap katapat ang kanilang American counterparts sa pangunguna naman ni Ambassador Eric John.
Kapag naipatupad ang binabalangkas na kasunduan, magbibigay-daan ito para sa pagdating sa bansa ng malaking bilang ng US troops na magkakaroon ng madalas na joint military excercises kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Magkakaroon din ng access ang mga puwersang Amerikano sa mga dati nilang base-militar at ilang estratehikong lugar sa bansa kung saan maaari silang magtayo ng mga istruktura at pasilidad na dapat nilang iwan kapag nawalan na ng bisa ang kaÂsunduan.
Bagamat aminado si Sorreta na may ilang bagay na hindi napagkasunduan sa huling pag-uusap, naniÂniwala siya na kanilang mareresolba ang mga ito sa itatakdang fifth round of talks.
May mga eksperto sa foreign relations at diplomacy na kapwa pabor sa Amerika at Pilipinas kung maipatutupad ang kasunduan sa lalong madaling panahon.
Anila, kailangan ng Amerika na muling ipadama ang presensiya sa South East Asia at Asia Pacific na napabayaan nito dahil sa pagtutok sa mga giyera sa Iraq at Afghanistan, habang pambara naman ito (ang pagsasaratipika ng kasunduan) ng Pilipinas sa tahasang agresyon ng China sa West Philippine Sea.
- Latest