^

Police Metro

Mga sundalo hindi muna pina-pullout… 8 MNLF dedo sa Zambo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang araw matapos na ideklara noong Sabado  na tapos na ang ika-20 araw ng Zamboaga siege nina Defense Secretary Voltaire Gazmin at ng palasyo ng Malacañang muli na naman nagkaroon nang bakbakan na ikinasawi ng 8 pang mi­yembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Mi­suari faction matapos manlaban habang isa naman ang nasakote sa patuloy na clearing ope­rations sa Zamboanga City kamakalawa.

Inihayag ni AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Ramon Zagala, ang walo pang karagdagang napatay na MNLF sa isinagawang clearing operations sa Brgy. Sta. Barbara na naging sentro ng bakbakan nitong mga nakalipas na araw.

Bandang alas-6:00 ng umaga nang makipagba­rilan sa security forces ang anim na MNLF fighters na nagtatago sa lugar na nagresulta sa pagkakapaslang sa mga ito.

Nilinaw naman ng opisyal na kung mayroon mang putukan ay konti na lamang ito na hindi kasingtindi ng mga naunang bakbakan kung saan hinihikayat nitong sumuko na lamang ang nalalabi pang maliit na bilang ng MNLF fighters sa halip na makipagbakbakan sa tropa ng pamahalaan.

Pasado alas-5:00 na­man ng hapon nang ma­paslang ang dalawa pang MNLF fighters na nag­si­si­takas matapos na maki­pagbarilan sa mga sundalo habang isa pa ang nasakote sa Brgy. Sta. Barbara.

Kaugnay nito, iniha­yag naman ng opisyal na wala munang pull-out sa tropa ng mga sundalo sa Zamboanga City kaugnay ng isinasagawang clearing operations sa ‘constricted area’ sa Brgy. Sta. Barbara at Sta Catalina.

 

vuukle comment

BRGY

CHIEF LT

DEFENSE SECRETARY VOLTAIRE GAZMIN

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MI

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

RAMON ZAGALA

SHY

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with