^

Police Metro

Grade 4 pupil naipit ng bintana sa iskul, patay

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang batang babae na grade 4 pupil ang nasawi nang mabagsakan at maipit ang leeg ng bintana ng kanyang silid-aralan sa Ususan Elementary School sa Taguig City kahapon ng umaga.

Naisugod pa sa Rabe-Cruz Hospital ang biktima na nakilalang si Jennelyn Capati, 10-anyos, residente ng no. 134 NP Cruz Street, ng naturang lungsod, subalit hindi na ito umabot ng buhay.

Batay sa ulat ng pulisya, maagang pumasok sa paaralan dakong alas-5:00 ng umaga si Capati at dumiretso sa kanyang silid-aralan na nasa ikalawang palapag ng paaralan. 

Dahil sa sobrang aga, sarado pa ang silid nang dumating ito kaya tinangka umano nito na buksan sa pamamagitan ng pagpasok ng ulo at kamay sa nakaawang na bintana at pilit na inaabot ang “door knob”.

Aksidenteng bumagsak ang salaming bintana sa leeg ng biktima at ilang minuto ang nakalipas bago ito nasaklolohan nang dumating si G. Teofilo Lascuña, ang adviser sa katabing silid-aralan at saka isinugod sa pagamutan.

Ayon sa mga tauhan ng Public Order and Safety Office (POSO) na nakatalaga sa paaralan, hinarang naman umano nila si Capati sa gate ng paaralan dahil sa sobrang aga pa at wala pang ibang estudyante sa loob.  Ngunit nang makalingat sila ay nasalisihan sila ng biktima.

Napag-alaman na si Jennelyn ay nakatira sa bahay ng kanyang tiyahin na isa ring guro sa nasabing paaralan.

vuukle comment

AKSIDENTENG

CAPATI

CRUZ STREET

JENNELYN CAPATI

PUBLIC ORDER AND SAFETY OFFICE

RABE-CRUZ HOSPITAL

TAGUIG CITY

TEOFILO LASCU

USUSAN ELEMENTARY SCHOOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with