^

Police Metro

‘Half-cup rice’, itinutulak ng DA

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Umaasa ang Department of Agriculture-PhilRice na makapag-isyu na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng isang Executive Order (EO) para sa pagpapatupad sa half-cup rice sa pagkain ng bawat mamamayang Pilipino.

Ito ang tugon ng ahensiya kahit na bumaba ang data ng Philippine Rice Research Institute (PhilRice) sa 255,000 metric tons ang household rice wastage  sa bansa noong 2019, mababa ito sa 340,000 metric tons  na nasasayang na bigas noong 2009.

Sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel na kahit na may improvement sa pagbaba ng nasasayang na bigas, kailangan pa ring umaksyon hinggil dito dahil ang nasasayang na bigas ay dapat sanang maipakain sa 2.8 milyong Pinoy kada taon.

Una nang sinuportahan ni PhilRice Executive Director Dr. John de Leon ang pagpapakain ng maliit na bahagi ng kanin dahil maiiwasan nito ang pagkasayang sa butil at mapapalakas pa ang kalusugan kapag may balanced diet.

Ang masyadong pagkain ng kanin ay nagdudulot ng sakit na diabetes sa Pilipinas. Noong 2021, isa sa 14 na Pinoy ang may sakit na diabetes batay sa ulat ng International Diabetes Federation.

FERDINAND R. MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with