Roque, nagsumite na ng kontra salaysay sa DOJ
MANILA, Philippines — Nakapagsumite na si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque ng kanyang counter-affidavit kaugnay sa kasong qualified trafficking na kinakaharap sa Department of Justice (DOJ).
Ayon kay Prosecutor General Richard Fadullon, ang kontra-salaysay na isinumite ng kampo ni Roque ay notaryado sa Abu Dhabi noong Nobyembre 29 lamang.
Sinabi ni Fadullon na magdaraos sila ng clarificatory hearing upang kumpirmahin ang kinaroroonan ngayon ni Roque, na hindi personal na dumalo sa pagdinig.
Matatandaang si Roque ay nahaharap sa isang arrest order na inisyu ng House of Representatives at inisyuhan na rin siya ng Immigration Lookout Bulletin Order noong Agosto.
Bukod kay Roque, akusado rin sa naturang qualified trafficking complaint sina Cassandra Li Ong, na siyang authorized representative ng POGO firm Lucky South 99, at ilan pang indibidwal.
- Latest