Malacañang walang kinalaman sa isinampang impeachment vs VP Sara
MANILA, Philippines — Inihayag ng Palasyo na walang kinalaman ang Malacañang sa inihaing impeachment complaint sa Kamara laban kay Vice President Sara Duterte noong Lunes.
Ginawang rason sa paghahain ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente ang paglabag umano sa Konstitusyon, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust at iba pa.
Ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, ang impeachment complaint ay mula sa inisyatiba ng mga pribadong mamamayan at ang pag-endorso ay prerogatiba rin ng miyembro ng Kamara.
Sinabi ni Bersamin na walang kinalaman ang Office of the President sa reklamong isinampa laban kay VP Sara.
Sinabi ni Bersamin na malinaw ang naging pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa isyu kung saan pinigilan nito ang mga mambabatas na isulong ang impeachment.
- Latest