Natagpuang patay sa inuupahang kuwarto ng katabing lalaki… buntis na GRO minartilyo
MANILA, Philippines - Basag ang bungo ng isang 29-anyos na guest relation officer (GRO) na umano ay tatlong buwan buntis matapos matagpuang patay sa kuwarto ng isang lalaki na katabi ng inuupahan nitong kuwarto kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Ang biktima na natagÂpuang patay ay nakilalang si Lorilyn Obiego, 29, ng Manggahan, Malaria ng naturang lungsod.
Habang pinaghahanap ng pulisya ang isang alias Rolly na nangungupahan sa katabing kuwarto na pinagtagpuan ng biktima.
Batay sa ulat, dakong alas-5:45 ng umaga nang matagpuang walang buhay ng ilang residente ang bikÂtima sa loob ng inuupaÂhang kuwarto ni Rolly na halos mabasag ang ulo na hinihinalang pinalo ng martilyo at nakita sa tabi nito na may bahid na dugo.
Inihayag ng may-ari ng mga paupahang kuÂwarto na si Rocky Lada, dalawang oras bago maÂtagpuan ang bangkay ng biktima ay dumaan sa kaÂnila si Rolly na may dalang bag at sinabing may pupuntahan lang ito sandali.
Patuloy ang imbestiÂgasyon ng pulisya kung ano ang motibo nang pagÂpatay sa biktima ng susÂpek.
- Latest