^

Police Metro

Krimen sa MM tataas ngayong ‘Ber’ months

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Chief Supt. Marcelo Garbo Jr., ang malawakang crackdown laban sa petty at index crimes sa Metro Manila dahil sa inaasa­hang pagtaas ng krimina­lidad ngayong pumasok na ang ‘ber months’ kaugnay ng yuletide season,

Kabilang sa petty crimes ay robbery/holdup, bag slashing, pandurukot  at snatching lalo na ng mga cell phone, Ipad, laptop at iba pang mamahaling kagamitan gayundin ang mga alahas.

Samantalang ang  index crimes ay tinukoy ni Garbo na robbery, theft , murder, homicide, physical injury at rape.

Una nang minobilisa ni Garbo sa limang distrito ng pulisya sa Metro Manila ang Police Integrated Patrol System (PIPS) para  24/7 upang matutukan ang insidente ng mga kriminalidad .

Binigyan din  ng opisyal ng direktiba ang mga hepe ng pulisya na pababain ng 50% sa loob ng 3 buwan ang insidente ng kriminalidad sa limang lugar na tinaguriang ‘crime hotspots ‘ sa Metro Manila. Kabilang dito ang Aurora Boulevard sa Cubao, Quezon City; Monumento sa Caloocan, Taft –Baclaran sa Pasay City; Quiapo hanggang kahabaan ng Recto sa lungsod ng Maynila at Kalentong sa Mandalu­yong City.

AURORA BOULEVARD

CHIEF SUPT

DIRECTOR P

KABILANG

MARCELO GARBO JR.

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

PASAY CITY

POLICE INTEGRATED PATROL SYSTEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with