^

Police Metro

EDSA lumuwag ang daloy ng trapiko

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lumuwag ang daloy ng trapiko kahapon sa kahabaan ng EDSA sa pagpapatupad ng “dry run” na pagbabawal sa mga provincial buses na isinagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Southwest Interim Transport Terminal (SITT) sa Parañaque City.

Maraming mga netizen ang nagpahayag sa mga post sa social networking site na Facebook, ang papuri sa biglaang pagluwag ng EDSA na anya sa unang pagkakataon ay nakaranas siya na makarating sa Ayala, Makati City mula sa Quezon City ng 30 minuto lamang.

Nabatid na ginastusan ng pamahalaan ng P24 milyon ang SITT sa may Uniwide reclamation area sa Parañaque City na kayang maglaman ng 1,000 bus buhat sa mga lalawigan ng Cavite at Batangas.

Nakatakdang buksan ngayong taon ang terminal sa Trinoma Mall sa Quezon City para sa mga provincial buses buhat sa Norte at sa Filinvest area sa Alabang, Muntinlupa City para naman sa mga bus na buhat sa Timog.

Pormal na bubuksan ang SITT sa Agosto 6 na inaasahang tuluyang makakatulong sa problema sa trapiko sa EDSA.

vuukle comment

AGOSTO

ALABANG

AYALA

MAKATI CITY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

MUNTINLUPA CITY

QUEZON CITY

SOUTHWEST INTERIM TRANSPORT TERMINAL

TRINOMA MALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with