^

Police Metro

Holdaper patay sa shootout

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippine s- Patay ang isang holdaper habang sugatan ang kasama nito makaraang makipagbarilan sa mga rumispondeng pulis ilang minuto matapos holdapin ang isang dalaga sa Quezon City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Quezon City Police District director Senior Supt. Richard Albano, nakilala ang nasa­wing holdaper na si Joseph Pedroza, 18 ng  #52 Mangga St., San Roque 2, Brgy. Bagong Pag-asa sa lungsod.

Sugatan naman ang kasama nito na si Jomar Baliza, 21 na ngayon ay naka-confine sa East Ave­nue Medical Center.

Ayon kay PO2 Gil­mer Mariñas, may-hawak ng kaso, ang napatay na holdaper at kasama nito ay positibong kinilala ng kanilang biniktima na si Sybell Megano, 32, ng  #44-G, Roxas St., Brgy. Manresa sa lungsod na siyang humoldap sa kanya.

Sinabi ni PO2 Mariñas, ang ingkwentro sa pagitan ng dalawa at mga pulis ay naganap sa kahabaan ng Pieces St., San Roque, Brgy. Bagong Pagasa, ganap na alas-2:10 ng hapon.

Nagpapatrulya umano sina PO1s Jay Ar Fullgar at Neil Agbayani sakay ng isang mobile car sa Edsa North patungo ng Philippine Women’s University nang parahin sila ng biktimang si Megano at humi­ngi ng tulong kaugnay sa panghoholdap sa kanya ng dalawang lalaki na armado ng baril.

Agad na sinamahan ng mga pulis ang biktima sa paghahanap sa mga suspek kung saan nila na­kita ang mga ito na tu­matakbo sa direksyon ng Sampaguita St. San Roque 2, Brgy. Pagasa, pero sa halip na sumuko ay nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad na nagresulta ng kamata­yan ng isa sa kanila.

vuukle comment

BAGONG PAG

BAGONG PAGASA

BRGY

EAST AVE

EDSA NORTH

JAY AR FULLGAR

JOMAR BALIZA

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with