Kasong perjury ni Tulfo vs mag-asawang Raymart at Claudine dinismis
MANILA, Philippines -Dahilan sa kakulangan ng ebidensiya kung kaya’t dinismis ng QC ProseÂcutor’s Office ang kasong perjury na isinampa ng broadcaster na si Erwin Tulfo laban sa mag-asaÂwang sina Raymart Santiago at Claudine Barreto-Santiago.
Sa anim pahinang reÂsolusyon, sinabi ni Asst City Prosecutor Maximo Usita, Jr., na ang kasong perjury na naisampa sa mag-asawa ay hindi kapani-paniwala at walang katotohanan para isampa.
Ang kaso ay naisampa ni Tulfo nang maghayag umano ang mag-asawang Santiago ng malisyoso at mga maling paratang laban sa kanya at sa kapatid na sina Mon, Ben at Raffy.
Sinasabi noon ng mag-asawa na ang Tulfo broÂthers ang nanguna kayat nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa magkabilang panig.
Sinasabi rin ng mag-asawa na nakangisi pa noon si Mon nang maganap ang insidente sa NAIA at sinuntok at sinaktan ng ilang beses si Raymart.
Sinabi naman ni Erwin na nagsinungaling ang mag asawa ng sabihin ito kayat marapat lamang na maidiin ang mga ito sa kasong perjury.
Magugunitang ang gusot ay nag-ugat nang masapak ang grupo ng mga Santiago ang kapatid ni Erwin na si Mon Tulfo sa Ninoy Aquino InternatioÂnal Airport noong May 6, 2012.
- Latest