Mister inutas habang papauwi ng bahay
MANILA, Philippines - Malapit sa kanyang bahay natagpuang patay ang isang 31-anyos na lalaki matapos itong pagÂbabarilin ng mga hindi pa kilalang suspek kahapon ng madaling-araw sa Baseco ComÂpound, Port Area, Maynila.
Ang nasawi ay kiniÂlalang si Michael Abad, delivery boy at residente ng no. 326 Aplaya St., Block 1, Baseco ComÂpound, Port Area, MayÂnila, na nagtamo ng apat na bala sa iba’t ibang baÂhagi ng katawan.
Sa salaysay sa pulisya ng live-in partner ng biktima na si Christine LaÂgumen, dakong alas-6:00 ng umaga ay nagiÂsing siya sa ingay sa labas ng kanilang bahay at nakita niya na may piÂnagkakaguluhang bangÂkay at nang kanyang usiÂsain ay doon niya nakita na asawa pala niya ang bangkay.
Ayon pa kay Christine na dakong alas-12:30 ng madaling-araw ay iniÂhatid pa siya ni Abad sa terminal ng tricycle at banÂdang ala-1:00 ay nag-text pa umano sa kaniya na nagpapaalam na may pupuntahan lamang.
- Latest