Huwag basta maniwala sa propaganda – Kaya Natin
MANILA, Philippines - Habang palapit nang palapit ang araw ng eleksyon ay lalong tumitindi ang manipulasyon at maduming propaganda.
Ito ang inihayag ng grupong Kaya Natin matapos Ito ipahayag ni dating Quezon City 3rd District Congressman Matias Defensor ang pangunguna nito sa local mock elections ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa ilang barangay ng distrito noong Mayo 1 at kasabay nang pagkalat ng mga polyeto at poster na tumutuligsa sa kanyang kalaban na si Rep. Jorge “Bolet†Banal.
Ayon naman kay Federick Angeles, Campaign Director ng Team Banal, sinamantala ni Defensor ang dapat sana ay kapakipakinabang na ehersisyo ng malinis at tapat na eleksyon ng PPCRV mock elections nang gamitin niya ito sa layuning ikondisyon ang mga botante na tanging sa vote-buying lang mananalo sa kanya si Congressman Banal, gayong alam naman niya na hindi repleksyon ang resulta nito ng huling pasya ng bayan sa Mayo 13.
Magugunita na kamakailan ay nagsampa ng vote-buying laban kay Banal ang kampo ni Defensor sa tulong ng ilang taga 3rd District na umanoy nakasaksi sa pamimili ng boto ng una,ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay inurong ito ng isa sa mga testigo na si Danilo Florano.
- Latest