^

Police Metro

Siniraan sa Facebook nagsampa ng libel

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang babae na nag-post nang mapanirang komento laban sa isang negosyanteng karibal sa nobyo ang ipinagharap ng kasong libelo sa Manila Prose­cutors Office.

Sa salaysay ng biktima na si Laarni Gonzales, 36, may-ari ng Global Power Inc. at residente ng  no.11-A Sta. Ana  St.,  Maynila na noong Abril 8, 2013 nang mabasa niya at mga kaanak, maging ang mga kakilala at investor sa negosyo  ang  mapanirang post sa kanyang Facebook ng suspek na si Marilyn dela Roma, na may mga alyas “Lovely dela Roma” at “Yana dela Roma”, ng Blk. I-A-9, Lot 9, Brgy.  Sta. Cristina II, Area C, Dasmariñas, Cavite, na di umano’y live-in partner ng kaniyang dating nobyo na si Jeffrey Ramirez Hernandez.

Ang nakakasirang post ay nagsasabi sa biktima na malaki umano ang ari nito, international call girl, manloloko, pabayang ina, lalakero  at marami pang mga nakakapanirang puri na post ng suspek.

Nabasa din umano ng mga tauhan sa kaniyang kumpanya, brokers at maging teachers ng kaniyang mga anak sa Montessori school ang nasabing post message.

Agad namang ina­min ng suspek ang ginawang paninira at tinawagan ang biktima upang humingi ng paumanhin at nakiusap na huwag na siyang sampahan ng kaso.

Selos umano ang dahilan ng paninira dahil kahit hiwalay na siya sa dating nobyo at karelas­yon naman ang suspek ay nagseselos pa rin umano ito.

vuukle comment

A STA

ABRIL

AREA C

GLOBAL POWER INC

JEFFREY RAMIREZ HERNANDEZ

LAARNI GONZALES

MANILA PROSE

ROMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with