^

Police Metro

Zaldy hindi pinadalo ng korte sa graduation ng anak

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ibinasura ng korte ang kahilingan ni dating Autonomous Region Muslim Mindanao (ARMM) Go­vernor Zaldy Ampa­tuan na mag-“leave from imprisonment” sa kanyang piitan sa Camp Bagong Diwa sa Bicutan, Taguig City upang makadalo sa graduation ng kanyang panganay na anak sa Cotabato City.

Sa tatlong pahina na kautusan ni Quezon City Regional Trial Court Branch 221 Judge Jocelyn Solis-Reyes noong March 22 na ang graduation ay hindi kuwalipikado bilang emergency.

Si Zaldy ay isa sa 195 na akusado sa Maguindanao massacre noong Nov. 23, 2009, kung saan may 58 katao ang nasawi, kabilang ang 32 mamama­hayag.

Magugunita na hiniling ni Ampatuan sa korte na payagan siyang makapagbiyahe sa Marso 24 para makadalo sa commencement exercises na kanyang anak na si Prince Sufri Norrabie, 19 sa may Albert Einstein School sa Cotabato City.

Giniit ni Reyes na naiintindihan ng korte ang kahilingan ni Ampatuan bilang ama na dumalo sa graduation na maaa­ring pamarisan naman ng iba pang aku­sado.

 

ALBERT EINSTEIN SCHOOL

AMPATUAN

AUTONOMOUS REGION MUSLIM MINDANAO

CAMP BAGONG DIWA

COTABATO CITY

JUDGE JOCELYN SOLIS-REYES

PRINCE SUFRI NORRABIE

QUEZON CITY REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

SI ZALDY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with