Ina ni Kristel inapela ang total ban sa pagbenta ng silver cleaner
MANILA, Philippines -Sinisisi ni Gng. Blessy Tejada ang tindahan na pinagbilhan ng silver cleaÂner na ginamit ng kanyang anak na si Kristel sa pagpapakamatay nito.
Umapela si Gng. TeÂjaÂda sa pamahalaan na dapat ay magkaroong total ban sa pagbenta ng silver cleaner solution at pataÂwan ng mabigat na parusa ang nagtitinda at pati na rin ang bumibili.
Ayon sa grupo ng EcoÂÂWaste Coalition na nakiramay sa pamilya Tejada nang dumalaw ito sa Sanctuary Funeral Chapel sa Batangas St., sa Sta. Cruz, Manila kung saan nakaburol si Kristel.
Ayon sa grupong EcoÂWaste Coalition na magsilbing wake up call sa lahat ang pagkamatay ni Kristel at dapat nang ipaÂtupad ang joint advisory ng Department of Health (DOH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng silver jewelry cleaning solutions na nagtataglay ng cyanide at iba pang nakalalasong kemikal.
Sa nasabing advisory, na nilagdaan nina Health Secretary Enrique T. Ona at Environment Secretary Ramon J.P. Paje, mahigpit ding ipinagbabawal ang importasyon, paggawa, distribusyon at pagbebenta ng silver cleaner ng walang kaukulang product registration at labeling.
Ang EcoWaste ay maÂtagal nang tutol sa pagÂgaÂmit ng silver cleaÂner dahil paborito itong gamitin sa pagpapakamatay ng ilang indibidwal na nawawalan na ng pag-asa sa buhay.
Matatandaan na napaulat na nagpakamatay si Kristel sa pamagitan ng pag-inum ng silver cleaner dahil sa hindi ito makapagbayad ng tuition fee.
- Latest