Coal plant sa Subic, kinondena
MANILA, Philippines - Isang kompanya na gustong magtayo ng 600 megawatt (MW) coal fired power plant sa Subic Bay Freeport ang kinondena ng mga grupong makakalikasan at organisasyon ng mga mamamayan at maging ang mga politikong “nagtaksil sa taumbayanâ€.
Ayon kay Larry Cruz-Romero, tagapagsalita ng Kasangga ng Kalikasan, sa paglagda sa isang memorandum of agreement (MOA) nina Zambales Governor Hermogenes Ebdane Jr., Subic Mayor Jefferson Khonghun, Brgy. Cawag Chairman Arthur Garcia at Subic Bay Metropolitan Authority Chairman Roberto Garcia ay isa umanong pagtataksil sa mamamayan ng Zambales.
Ayon kay Romero nilagdaan at inaprubahan nina Ebdane, Khonghun at Garcia ang MOA sa panukalanang coal fired power plant na mayroon lamang pagbabago sa kapasidad mula 300MW sa 600MW sa kabila ng pagtutol ng mga residente, iba’t ibang grupo at mismong ng konseho ng mga ito.
Inakusahan din ni Romero ng pag-abuso sa kanilang kapangyarihan sina Ebdane at Khonghun dahil nilagdaan nila ang MOA kahit hindi inaprubahan ng Sangguniang Panlalawigan at Sangguniang Bayan na nagpasa ng mga resolusyong tutol sa proyekto.
- Latest