^

Police Metro

Lolo nahulihan ng 50 bala sa NAIA

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BoC) ang isang 75-taong gulang na lolong balikbayan makaraang makumpiskahan ng 50 bala ng baril sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Pasay City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni BoC Commissioner Ruffy Biazon ang suspek na si Domingo Aquino, isang Filipino-American citizen.

Nabatid mula sa ulat na isinumite nina  NAIA District Commander Marlon Alameda at Assistant Chief and Investigation Customs police Byron Carbonell ng  ‘BOC Task Force React’ sa tanggapan ni Comm. Biazon, na si si Aquino ay sakay ng Philippine Airline, flight PR 105 at nagmula ito sa San Francisco, California, United State of America (USA).

Ayon sa report, ganap na alas-4:00 ng hapon nang dumating ng Terminal 2 ng  NAIA ang suspek at may connecting flight ito patungong Cebu PR847.

Habang nagsasagawa ng inspection ang isang OTS personnel na si Bryan Mark Lozano, nakita sa x-ray machine sa bagahe ng suspek ang hugis ng mga bala ng baril.

Nang berepikahin ang laman ng bagahe ni Aquino, nakita ang isang kahon na naglalaman ng 50 pirasong mga bala ng .9mm na nakalagay sa isang toilet bag.

Hinanapan ng permit si Aquino pero wala itong mai­pakitang  kaukulang dokumento kaya siya inaresto.

 

AQUINO

ASSISTANT CHIEF AND INVESTIGATION CUSTOMS

BRYAN MARK LOZANO

BUREAU OF CUSTOMS

BYRON CARBONELL

COMMISSIONER RUFFY BIAZON

DISTRICT COMMANDER MARLON ALAMEDA

DOMINGO AQUINO

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PASAY CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with